Stradcom kinastigo ng LTO

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni LTO chief Alberto Suan­sing ang Stradcom Corporation na huwag nang ta­tanggap ng mga emission test centers para magpa-direct connect sa kanila bago magpa­rehistro ng sasakyan.

Sinabi ni Suansing, gi­nawa nya ang direktibang ito habang sinisiyasat ng kan­yang opisina ang isyu sa emission test center na direct connect sa Stadcom ang mga PETC’s na hindi naka­pasok sa system ng PETC-IT providers dahil sa kani­lang non-appearance operation sa emission testing.

Siniguro ng LTO chief na kapag napatunayan ang reklamo laban sa Stradcom sa direct connect ay ipa­pasara niya ito.

Nagreklamo ang Coalition for Clean Air Advocates na si Jojo Buerano laban sa mga emission test centers dahil sa pag­kunsinti sa non-appearance na pawang direct connect sa Stradcom.

Nangako din si Suan­sing na aalamin niya kung to­toong may dual IT ang mga emission centers o sila ay naka-direct connect sa Stradcom at IT providers nito.

Show comments