Walang Pinoy sa India plane crash - DFA

MANILA, Philippines - Walang Pilipino ang kabilang sa may 166 sakay nang bumagsak na eroplano sa India noong Sabado ng madaling-araw.

Sinabi ni DFA spokesman Ed Malaya, mabilis na nakipag-ugnayan ang Embahada sa airline officials at kinauukulan upang beripikahin ang listahan ng mga pasahero kung may Pinoy na nakasakay sa Air India Boeing 737-800 plane na may lulang 160 pasahero na karamihan ay Indian at anim na crew, Nakumpirma na walang Pinoy ang kabilang sa mga pasahero.

Nagmula sa Dubai, United Arab Emirates ang nasabing eroplano at nag-overshot sa isang hilltop runway sa southern India hanggang sa bumagsak, magliyab at sumabog. May walong pasahero ang pinalad na makaligtas sa trahedya.

Show comments