^

Bansa

GMA gagayahin si Sonia Gandhi

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Nilinaw ng Malacañang na wala pang plano na tumakbo bilang speaker ng Kamara sa 15th Congress si Pangulong Arroyo.

Sinabi ni Presidential Political Adviser Prospero Pichay, ang nais ni Pangulong Arroyo ay maging katulad lamang siya ni Sonia Gandhi ng India na mananatiling pinuno ng partido subalit hindi para sungkitin ang liderato ng Kamara.

Muling pinulong ng Pangulo kamakalawa ng gabi sa Palasyo ang mga miyembro ng Lakas-Kampi-CMD upang lalong patatagin ang kanilang hanay.

Ayon kay Pichay, kinukumbinsi nila si Mrs. Arroyo, na nanalong kongresista sa 2nd district ng Pampanga, upang tumakbong House speaker sa pagbubukas ng Kongreso sa July 26.

Aniya, umaabot sa 109 ang nanalong kongresistang miyembro ng Lakas-Kampi-CMD sa nakalipas na May 10 elections at malaking bloc ito sa Kamara at kayang magpanalo ng House speaker.

Bagama’t may inaasahan silang mga miyembrong kakalas sa partido ay hindi umano dapat balewalain ang kanilang bloc dahil mayroon pa silang mga kaalyado sa partylist.

vuukle comment

ANIYA

AYON

BAGAMA

KAMARA

KONGRESO

LAKAS-KAMPI

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL POLITICAL ADVISER PROSPERO PICHAY

SONIA GANDHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with