^

Bansa

'Erap 5' para kay Binay

- Ni BQ -

MANILA, Philippines - Ipinagdiinan ng Union of the Masses for Democracy and Justice na walang katotohanan ang kumakalat na balitang susuportahan umano nila si Mar Roxas sa pagkabise-presidente.

“Iisa lang aming bise-presidente, yung tunay na makamahirap, oposisyon mula ulo hanggang paa at may B, dahil tunay na Barako na handang lumaban para sa mga manggagawa at ito ay walang iba kundi si Jojo Binay,” paglilinaw ng grupo.

Ayon kay Virgilio Eustaquio, tagapangulo ng UMDJ na kilala rin bilang “Erap 5,” isang pagpapanggap ang ipina­pangalandakan ni Roxas na siya ay makamahirap dahil taliwas umano ang kanyang mga gawa sa kanyang salita. Kung totoo umanong makamahirap si Mar, na nag­papakilalang Mr. Palengke at Mr. Padyak, bakit daw bawal ang mga padyak sa Araneta Center na pag-aari ng pamilya ni Roxas.

“Bakit bawal pumasada sa Araneta Center ang mga sikad o maging ang mga bulok na jeep na pampasahero? Baka pag pinagpilitan ng padyak na pumasada dun tadyak ang abutin sa mga gwardya,” ani Eustaquio. 

vuukle comment

ARANETA CENTER

AYON

DEMOCRACY AND JUSTICE

JOJO BINAY

MAR ROXAS

MR. PADYAK

MR. PALENGKE

ROXAS

UNION OF THE MASSES

VIRGILIO EUSTAQUIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with