^

Bansa

Baby James 'fan' ni Villar

-

MANILA, Philippines - Ikinagulat ni Nacio­nalista Party standard bearer Sen. Manuel Villar Jr. ng malaman na maging ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Baby James ay kanyang ‘fan”.

Hindi makapaniwala si Sen. Villar ng mapanood ang video footage ni Baby James na sinasabi ang kanyang pangalan sa isang campaign sortie ng Liberal Party sa Ba­colod City.

Ayon kay Villar, natu­tuwa siya kasi ang mga bata ay busilak ang kaloo­ban at hindi nagsisinu­ngaling.

Isinama ni Kris ang kan­yang anak na si Baby James sa isang campaign ng LP sa Bacolod City kamakailan kung saan ay inuutusan sana ni Kris na magsabi ng ‘hello’ si Baby James sa crowd subalit biglang ang sinabi nito ay “Villar!”

Nagpapasalamat na­man si Villar kay Baby James dahil patunay lamang ito na epektibo ang kanyang jingle dahil lahat ng bata ay alam nilang kantahin ito. (Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BABY JAMES

BACOLOD CITY

IKINAGULAT

ISINAMA

KRIS AQUINO

LIBERAL PARTY

MANUEL VILLAR JR.

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with