^

Bansa

230 Pinay namamatay sa panganganak

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa 230 Pinay ang namamatay sa pa­nganganak sa bawat 100,000 na live births.

Ito ang sinabi kaha­pon ni Senator Loren Legarda na iginiit na dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang maternal at child care.

Ang nasabing blang ay napakataas umano kum­para sa mga na­ma­matay sa panganganak sa ibang bansa katulad ng Thailand, Malaysia, at Singapore.

Kung sa Pilipinas ay 230 ang inang namamatay sa panganganak sa bawat 100,000 na live births, nasa 110 naman sa Thailand, 62 sa Malaysia at 14 sa Singapore, ayon na rin sa datos ng United Nations.

Nakakaalarma aniya ang nasabing bilang dahil maging ang buhay ng sanggol ay nalalagay sa alanganin kapag namatay ang ina.

Ayon naman umano sa Department of Health, 6 sa bawal 10 kababa­ihan ay sa bahay pa rin nanga­nganak dahil sa kawalan ng access sa maayos na obstetric services.

Kalimitan umanong na­­nganganib ang buhay ng mga babaing nanga­nganak sa tahanan lalo pa’t nagkaroon ng kom­plikasyon at hindi kaagad naisugod sa ospital.

Kabilang sa mga common causes ng maternal deaths ang  hemorrhage, sepsis, obstructed labor, hypertensive disorders sa pregnancy, at complications ng  unsafe abortion. (Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

KABILANG

KALIMITAN

MALOU ESCUDERO

NAKAKAALARMA

SENATOR LOREN LEGARDA

SHY

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with