^

Bansa

DOH may paalala vs pagsabog ng Mayon

-

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng health advisory ang Department of Health sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Mayon upang mapangala­gaan ang kalusugan ng mga residen­teng naninira­han malapit dito at ang epekto ng abong ibinubuga nito.

Ayon kay Dr. Eric Ta­ yag, Director IV ng National Epidemiology Center ng DOH, ang taong expose sa ash fall ay posibleng mag­karoon ng hika, bronchitis, sore-eyes, sakit sa balat at iba pang infection.

Upang makaiwas dito, huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kinaka­ilangan, magtakip ng pan­yong basa sa ilong, pa­kuluan ang tubig na iniinom at palagiang magsuot ng pantalon at may maha­habang manggas.

Iginiit ni Tayag na ka­ila­ngang sundin ng publiko ang advisory ng DOH para na rin sa kanilang kalu­su­gan upang hindi na ito ma­kadagdag sa kanilang ka­lagayan sa evacuation centers.

Samantala, nagpadala na ng mga gamot ang DOH sa mga evacuation center sa Albay para gamitin ng mga evacuee na apektado ng pagputok ng bulkang Mayon.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, inaasahan na ang mga ordinaryong sakit gaya ng sipon, lagnat, sakit sa balat, diarrhea at iba pang impeksyon sa lugar. Ilan sa mga medical supplies ay mga paracetamol, antibiotic at bakuna. (Doris Franche)

vuukle comment

ALBAY

AYON

BULKANG MAYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

DR. ERIC TA

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

SECRETARY FRANCISCO DUQUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with