^

Bansa

Babaeng judge kumasa vs Ampatuan

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matapos tumanggi si Quezon City Regional Trial Court Judge Luisito Cortez na hawakan ang kaso ng Maguindanao massacre, isang babaeng hukom ang matapang na tumugon sa hamon sa muling pag-raffle sa kaso kahapon.

Bumagsak sa sala ni QC-RTC Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes ang multiple murder case ni Datu Unsay Ma­guin­danao Mayor Andal Ampatuan Jr.

Una nang napunta ang kaso ni Ampatuan kay Judge Cortez pero nang mag-inhibit ito dahil sa seguridad at kundis­yon ng kalusugan, nagsa­gawa muli ng pag-raffle sa QC court hinggil sa nabanggit na kaso.

Kontrobersiyal na rin daw umano ang mga hawak na kaso ni Cortez kaya ayaw na ng mada­ming load tulad ng two counts ng murder case ni dating Abra Governor Vicente Valera dahil sa pamamaslang kay Abra Rep. Luis Bersamin noong 2006.

Wala pa namang re­ak­siyon ang bagong hu­kom sa paghawak sa Am­pa­tuan case dahil ang mga ito ay tinagubilinan na ni Chief Justice Rey­nato Puno na wala nang magaganap na inhibition dahil siya ang magbibigay ng seguridad sa hahawak ng kasong ito sa QC court.

Samantala, magsa­sampa ngayong umaga ng dismissal at disbarment case ang Volunteer Against Crime and Corruption laban kay Judge Cortez.

Ayon kay VACC founding chairman Dante Jime­nez, hindi umano dapat na tinatanggihan ng mga hu­wes ang mga kasong ma­pupunta sa kanilang sala dahil in­dikasyon na rin umano ito na ayaw nilang bigyan ng hustiya ang da­pat na mabigyan ng hus­tisya.

Aniya, ito naman ay nakapaloob sa kanilang sinumpaang tungkulin kung kaya’t walang da­hilan ang mga ito na tumang­ging hawakan ang kaso kahit pa ito ay kon­trobersiyal at nakaamba ang anumang panganib.

Sa kabila nito sinabi ni Jimenez na hindi naman nila  kinukuwestiyon ang kredibilidad ni Cortez subalit mas dapat na na­naig dito ang kanyang tungkulin. (Dagdag ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ABRA GOVERNOR VICENTE VALERA

ABRA REP

CHIEF JUSTICE REY

DANTE JIME

DATU UNSAY MA

DORIS FRANCHE

JUDGE CORTEZ

LUIS BERSAMIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with