Mga hayop gumagala sa runway

MANILA, Philippines - Hiniling ni Marikina Rep. Del de Guzman kay Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza na sibakin ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagpaalis sa perimeter fences sa dulo ng runway ng Caticlan Airport sa Aklan, kaya labas-masok sa runway ang mga hayop.

Aniya, mula ng iutos ni CAAP Director Gen. Ruben Ciron na maalis ang bakod sa dulo ng runway ng na­sa­bing airport para maga­mit ng mga malalaking eroplano ay gumala na din dito ang mga aso, kalabaw, kambing at mga manok.

Si De Guzman, vice chairman ng House committee on tourism, ay naka­kuha ng report na sari-saring hayop ang kanilang nakita ng bumisita sa Boracay at lumanding sa Caticlan.

Idinagdag din ng mga opisyal sa Aklan at airport security group na mala-king panganib ang maaa­ring idulot sa pag-aalis ng bakod sa runway. (Butch Quejada)

Show comments