Dating kongresista una sa Laguna
() - November 21, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtaas ng trust rating ng dating kongresista sa unang distrito ng Laguna kumpara sa aktor na naalis sa puwesto dahil sa kuwestiyon sa kanyang paninirahan sa lugar na kanyang kinatawan.

Sa halos isang libong respondents sa iba’t ibang age bracket na isinagawa ng Progressive Laguna Movement (PLM), isang competent research group sa lalawigan, nakapagtala ng 31% si dating congresswoman Uliran Joaquin na sinundan nina Calixto Cataquiz, 23% Govenor Ningning Lazaro, 18% at Dan Fernandez 7%.

Ayon sa mga respondents, ang mga programang nagpaunlad sa unang distrito ng lalawigan ang naging markado sa mga residente kung kaya patuloy ang pagtaas ng popularidad nito sa lahat ng mga pulitiko sa Laguna.

Ang unang distrito ng Laguna na dating kinatawan ni Joaquin ay kinabibilangan ng San Pedro, Biñan at Sta. Rosa.

AYON CALIXTO CATAQUIZ DAN FERNANDEZ GOVENOR NINGNING LAZARO JOAQUIN LAGUNA PATULOY PROGRESSIVE LAGUNA MOVEMENT SAN PEDRO ULIRAN JOAQUIN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with