Toluene ng rugby boys mapanganib
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng Toluene matapos isama ito sa listahan na isa sa mapanganib na droga.
Aksyon ito ni PDEA Director General Dionisio Santiago matapos ipalabas ang regulation number 6, series of 2007 na ang classified Toluene-Based Contact Cement Products na walang kahit limang porsiyento ng mustard oil content ay itinuturing na mapanganib na gamot.
Ayon kay Santiago, ibinilang ang nasabing substance bilang mapanganib na droga dahil sa lumalalang problema ng mga kabataan gumagamit ng rugby na may halong toluene, para malasing at mawala sa sarili.
Isinama rin ng DDB ang Oripavine sa listahan ng mapanganib na droga at Amineptine, isang anti-depressant drug na itinuturing bilang therapeutic, ngunit mataas ang potential para maabuso. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending















