RFID suportado ng transport

MANILA, Philippines - Kahit na may mga panawagan na suspendihin ang implementasyon ng kontrobersiyal na Radio Frequency Identification (RFID) Project ng Land Transportation Office (LTO), umani pa rin ito ng suporta mula sa transport groups.

Sinabi ni 1-UTAK Party List Rep. Vigor Mendoza su­portado siya sa naturang proyekto dahil sa positibo nitong impact sa transport sector sa mga darating na panahon.

“It is about time that we reduce corruption and red tape in LTO through these modern RFID chips to be installed in vehicles,” pahayag ni Mendoza

Sa pahayag ng ilan na walang konsultasyon, sinabi ni Mendoza na isa siya sa nakiisa sa isinagawang konsultasyon ng LTO sa Quezon City at Cebu hinggil dito noong Pebrero ng taong ito at naipaliwanag dito ang tulong sa sector ng proyekto at maging ang bayarin para sa RFID chip.

“If it will help solve problems on colorum jeepneys, there is no reason why the transport groups will not support this initiative,” dagdag ni ACTO President Efren de Luna.

Ilan pa sa nakiisa sa naturang konsultasyon ng LTO sa RFID ay ang 1Utak, ACTO, Cebu South Mini-Bus Operators Association, FEJODAP, ALTODAP at Cebu Integrated Transport Services Cooperative. (Butch Quejada)

Show comments