^

Bansa

Pagdinig sa mga korte kanselado

-

MANILA, Philippines - Kanselado ang mga pagdinig bukas sa ilang trial courts sa bansa na apektado ng bagyong Ondoy.

Sa text message na ipinadala ng tagapag­salita ng Supreme Court na si Atty. Midas Mar­quez, kabilang sa mga korteng kanselado ang mga pagdinig ay sa Region 4, Pasig at Marikina.

Inatasan din ang mga Executive Judges na ang mga lugar ay apektado ng naturang bagyo, na mag-report ngayong araw sa SC Office of the Court Administrator upang ipa­alam ang kundisyon ng kani-kanilang mga korte.

Una ng kinansela ng SC ang Bar Exam na nakatakda sana kahapon. Nire-schedule ito sa Oktubre 4, 2009.

Kahapon sana ang huling araw ng Linggo para sa apat na Linggong Bar exam kung saan ang pasusulit ay patungkol sa subject na Remedial law and Legal Ethics. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BAR EXAM

EXECUTIVE JUDGES

INATASAN

KAHAPON

LEGAL ETHICS

LINGGONG BAR

LUDY BERMUDO

MIDAS MAR

OFFICE OF THE COURT ADMINISTRATOR

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with