^

Bansa

Travel agencies 'inupakan' si Jamby

-

MANILA, Philippines - Dismayado umano ang samahan ng mga travel agencies sa inasal ni Sen. Maria Consuelo “Jamby” Madrigal sa pag­kuha ng e-passport ka­makailan sa Department of Foreign Affairs.

Pinuna ni Consul Robert Lim Joseph, Chairman ng National Association of Independent Travel Agencies o NAITAS, na hindi dapat abusado ang mga pulitiko tulad ni Madrigal na ginagamit ang kani­lang pwesto upang ma­pabilis ang proseso ng mga pa­peles tulad ng passport.

Matatandaan na hi­nawi ng grupo ni Madrigal ang pila ng mga kawa­wang aplikante sa DFA na kuku­ha ng e-passport noong Agosto 26, 2009. 

Sa naturang insi­den­te, may isang oras uma­nong tu­migil ang proseso ng pagla­ bas ng e-passport ng mga nakapila ng si Madrigal ay dumating kasama ang na­pa­kara­ming security at staff.

Ang buong normal na proseso ay hindi na umano dinaanan ng senadora tulad ng pagpila sa window 28 ng DFA, pagbabayad sa cashier at dumiretso na ito sa data capturing at nagpali­ trato.

Sa naturang ginawa ni Madrigal ay marami uma­no ang nainis ma­ging ang mga kawani ng DFA na nakasaksi sa insidente dahil sa naging kaawa-awang kalagayan ng mga ordinaryong ma­mamayan dahil lang sa pagbibigay ng prayoridad kay Madrigal. (Butch Quejada)

vuukle comment

AGOSTO

BUTCH QUEJADA

CONSUL ROBERT LIM JOSEPH

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DISMAYADO

JAMBY

MARIA CONSUELO

NATIONAL ASSOCIATION OF INDEPENDENT TRAVEL AGENCIES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with