^

Bansa

Mga babaeng bisita ng GIs, hindi prosti

-

MANILA, Philippines - Girlfriend, mga ka­ibigan at hindi mga ba­yarang prostitute ang mga babaeng bumibisita sa mga sundalong Ameri­kano na tumutuloy sa mga base ng militar sa Mindanao.

Sinabi ni Visiting For­ces Agreement (VFA) Executive Director ret. Lt. Gen. Edilberto Adan na ma­s­yadong unfair na tawaging mga prostitute ang mga Pinay na naging girlfriend at kaibigan ng mga sundalong Kano na nagsasagawa ng humanitarian mission sa bansa par­tikular na sa Min­danao.

“It’s too unfair to label them as prostitute, they cannot be considered as women of ill refute, yung iba dun mga girlfriend na mismo ng mga GI’s, they make friends,“ ani Adan.

Nauna nang ibinulgar ni whistleblower at dating Navy Lt. Mary Nancy Ga­dian na ginagawa uma­nong motel ng mga GIs na kumukuha ng serbisyo ng mga Pinay na prostitute ang mga tinutuluyan nitong kampo sa Min­danao.

Sinabi ni Adan na walang katotohanan ang alegasyon ni Gadian lalo pa at inamin mismo nito na may nakapagsabi lamang sa kaniya at hindi naman niya direktang nasaksihan ang huling pinasabog na kontro­bersya.

Idinagdag pa ng opis­yal na malaki ang naitu­tulong ng VFA sa pagsupil sa pandaigdigang banta ng terorismo at sinabi pa na nagagamit lamang si Gadian ng anti-government forces kaugnay ng expose nitong sumasali sa combat operations ang tro­pang Kano. (Joy Cantos)

vuukle comment

ADAN

EDILBERTO ADAN

EXECUTIVE DIRECTOR

GADIAN

JOY CANTOS

KANO

MARY NANCY GA

NAVY LT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with