^

Bansa

Ready na si Brother Eddie

- Ni Grace Dela Cruz -

MANILA, Philippines - “Buong puso kong tina­tanggap ang hamon sa darating na halalan.”

Ito ang matapang na pahayag kahapon ni Jesus Is Lord Movement spiritual leader Bro. Eddie Villa­nueva matapos iproklama ng Bangon Pilipinas Party bilang standard bearer ng partido sa darating na 2010 presidential election.

Iprinoklama si Villa­nueva ng Bangon Pilipi­nas Party sa makasay­sayang Barasoain church sa Ma­lolos, Bulacan ka­hapon ng umaga bilang pambato ng grupo sa darating na ha­lalan dahil kailangan uma­no ng bansa ng isang tu­nay na lider na may takot sa Dios at han­dang mag­lingkod sa taum­bayan.

Dinaluhan ito ng may 15,000 miyembro ng iba’t-ibang Christian churches, non-government organizations, supporters pati ng matataas na opisyal ng lalawigan.

Sinabi ni Villanueva na dahil sa pag-ibig sa ma­mamayan kaya niya pa­ngungunahan ang pag­kakaroon ng respetado at maluwalhating kinabu­kasan ang bansa na ma­laya mula sa korupsiyon.

Aniya, tinanggap niya ang naturang pagtakbo bilang presidente sa 2010, isang buwan mata­pos na kumonsulta sa kanyang mga supporters. Sa Nob­yembre ay isusu­mite ni Villanueva ang kanyang certificate of candidacy kasabay ang pagpiprisinta sa mga tatakbong senador na kasapi ng Bangon Pilipi­nas Party.

“Kung matatakot tayo sa hamon ng ating pana­hon, paano pa makaka­alis ang bansa natin sa gani­tong sitwasyon. Nais kong maging matapang at tang­gapin ang inyong hamon,” ani Villanueva.

Kung tuluyang malu­luklok bilang pangulo ng bansa, tiniyak ni Villa­nueva na wawalisin nito ang korupsiyon at bilang na ang araw ng mga corrupt sa gobyerno.

At bilang paggunita sa pagkamatay ni dating Se­nador Ninoy Aquino, sinabi ni Villanueva na dapat lang tularan ng mga Filipino ang una dahil hindi ito natakot na banggain ang sinuman para lang maituwid ang bulok na sistema ng po­li­tika sa bansa.

vuukle comment

ANIYA

BANGON PILIPI

BANGON PILIPINAS PARTY

BARASOAIN

EDDIE VILLA

JESUS IS LORD MOVEMENT

NINOY AQUINO

SA NOB

SHY

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with