^

Bansa

23 sundalo, 40 Sayyaf todas!

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 23 sundalo habang nasa 40 naman mula sa nagsanib puwersang mga bandi­ dong Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang napaslang sa mahigit 8 oras na engku­wentro sa Sitio Kurelem, Brgy. Silangkum, Tipo Tipo, Basilan.

Sa phone interview, kinumpirma kahapon ni AFP-Western Mindanao Command Chief Major Gen. Ben Mohammad Do­lorfino na sa pagpapa­tuloy ng clearing operations kahapon ng umaga ay nasa 21 bandido ang patay na narekober sa encounter site habang aabot sa 19 pa ang nabitbit ng   mga nagsitakas nilang kasamahan base na rin sa pahayag ng kanilang mga intelligence asset.

Nitong Miyerkules ng madaling araw ay sumik­lab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ng grupo ni Abu Commander Furuji Indama kung saan nasa 10 bandido ang naunang narekober na mga bang­kay sa lugar.

Kabilang naman sa mga nasawing bandido ay dalawang sub-commander na sina Moton In­dama, kapatid ni Sayyaf Commander Furuji Inda­ma, at Asid Sali.

Sinabi naman ni Ar- my spokesman Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. na may impormasyon na maliban kina Moton Indama at Sali. Ilan pa sa mga nasawing lider ng mga bandido ay sina Appong Kasanarin, Ima­mul Mande, Ati Indama, Ongga Piyasta at alyas Poy Asali habang kabi­lang naman sa mga su­gatang bandido ay isang tinukoy na Tereng Buste.

Sa panig ng tropa ng militar, sinabi ni Dolor- fino na 23 sundalo ang nasawi, 20 rito ay mula sa Marines at tatlo sa Army, dalawa rito ay Tinyente at isang Enlisted Personnel.

Labing-tatlo naman ang nasugatang sundalo at isang miyembro ng Special Action Force (SAF).  

Inihayag ni Dolorfino na 60 ang orihinal na bilang ng mga bandidong nakasagupa ng tropa ng gobyerno pero habang tumatagal ang bakbakan ay umabot ng tinatayang 150 ang mga kalaban.

Nakarekober rin ng 15 high powered firearms      at dalawang Rocket Propelled Grenade (RPG) saka mga Improvised Explo-sive Device (IED) sa pi­nang­­­ya­rihan ng bakbakan.  

vuukle comment

ABU COMMANDER FURUJI INDAMA

ABU SAYYAF

APPONG KASANARIN

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

ASID SALI

ATI INDAMA

BEN MOHAMMAD DO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with