^

Bansa

9 'life' sa rapist na ama

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Supreme Court ang paru­ sang siyam na ha­bam­buhay na pagkabi­lang­go sa isang ama na napa­tunayang ilang beses na gumahasa sa dalawa niyang anak na babae sa Aritao, Nueva Vizcaya mula taong 1993 hang­gang 1997.

Inatasan din ng Huku­man ang akusadong si Lorenzo Layco na magba­yad ng P180,000 danyos sa mga biktima na kapwa menor de edad pa nang pagsamantalahan niya.

Naunang ipinataw ng Nueva Vizcaya Regional Trial Court ang parusa kay Layco na inayunan din kinalaunan ng Court of Appeals.

Sinasabi sa rekord ng korte na noong 1997, na­tuklasan ng 11 taong gu­lang na biktimang itinago sa alyas na Nikka ang panggagahasa ng kani­lang ama sa kapatid ni­yang 7-taong gulang na itinago sa alyas na Mica pagkauwi niya sa kanilang bahay.

Sinabi ni Nikka na inabutan niyang umiiyak si Mica habang naghuhugas ito ng plato at patayo umanong pinagsasaman­talahan ng kaniyang ama habang nakatalikod.

Sa puntong iyon, isi­nama ni Nikka si Mica sa bahay ng isa nilang tiyahin upang doon manirahan at ibinunyag din ang ginawa ni Layco.

Ibinunyag din ni Nikka na ginahasa rin siya nang apat na beses ng kanyang ama noong 1993 kaya na­pilitan siyang lumayas at makitira sa mga kamag-anak.

Nadiskubre na mula nang lumayas si Nikka ay natuon naman ang pang­ga­gahasa ng akusado kay Mica mula 1993 hangang 1997.

Sinabi ng magkapatid na kapwa sila sinasaktan at pinagbabantaan kung hindi papayagan ang ama na maisakatuparan ang maka­ mundong pagna­nasa.

Hindi kinagat ng korte ang depensa ni Layco na hindi siya ang gumahasa sa kanyang mga anak at sa halip ay idinahilan na maaring ni-rape ito dahil sa pagtira sa ibang bahay.

Lalo pang lumakas ang ebidensiya nang kumpir­mahin ng medico-legal expert na nagkaroon na ng su­gat at sobrang luwang na ng ari ng dalawang bata nang eksaminin ang mga ito.

vuukle comment

ARITAO

COURT OF APPEALS

LAYCO

LORENZO LAYCO

NIKKA

NUEVA VIZCAYA

NUEVA VIZCAYA REGIONAL TRIAL COURT

SHY

SINABI

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with