^

Bansa

62nd b-day ni PGMA simple lang

-

MANILA, Philippines - Sinigurado kahapon ng Malacañang na magi­ging simple lamang ang ika-62 kaarawan ngayon ni Pangulong Gloria Arroyo na ipagdiriwang niya sa Lubao, Pampanga.

Kasamang magse-celebrate ng Pangulo ang miyembro ng kanyang pamilya na dadalo sa isang misa sa St. Augustine Parish church sa Barangay San Nicolas na pangungunahan ni Pam­panga Archbishop Pacia­no Aniceto.

Matapos ang misa, pa­ nunumpain ng Pangulo ang 94 na miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Units (CAFGUs) sa loob mismo ng quadrangle ng simbahan.

Nalampasan na ng mga bagong miyembro ng CAFGU ang basic Military Training (BMT) na ginanap sa 7th Infantry Division Training Unit ng Philippine Army (PA) mula Pebrero 10 hanggang Marso 25, 2009.

Inaasahang makaka­sama ng Pangulo sa isang pananghalian ang mga local executives ng Pampanga bagaman at hindi sigurado kung kum­bidado rin si Pampanga governor Among Ed Pan­lilio.

Pangungunahan din ng Pangulo ang “One Town, One Product” (OTOP) Bazaar para sa mga produk­tong nagmula sa Pam­panga.

Mamamahagi rin ang Pangulo na mga supot ng groceries para sa 1,000 mahihirap na mamama­yan ng Pampanga bago ito magtungo sa Clark Free­port Zone para sa pormal na pagbubukas ng Clark South Interchange ng Su­bic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX). (Malou Escudero)

vuukle comment

AMONG ED PAN

ARCHBISHOP PACIA

BARANGAY SAN NICOLAS

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNITS

CLARK FREE

CLARK SOUTH INTERCHANGE

CLARK-TARLAC EXPRESSWAY

PAMPANGA

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with