Pagbasura sa oil deregulation law pinag-uusapan na

MANILA, Philippines - Sinisimulan na ng Department of Energy (DoE) ang pakikipag-usap sa mga economic managers ni Pangulong Arroyo kung nararapat na bang iba­sura ang Oil Deregulation Law. Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, ang lahat ng stakeholders ay kokonsultahin muna sa isyung ito bago magde­sisyon ang gobyerno kung nararapat bang isu­long ang pagbasura sa nasabing batas.

Aniya, gumagawa ng pama­maraan ang gob­yerno upang mabigyan ng sapat na kapang­­ya­rihan ang DOE upang mahigpit na mabantayan ang oil industry sa supply at presyo ng mga pro­duktong petrolyo nito. (Rudy Andal)

Show comments