^

Bansa

Buntis na Pinay patay sa sakal ng lover sa Saudi

-

MANILA, Philippines - Sinakal hanggang sa mamatay ng kanyang Egyptian lover ang isang buntis na Pinay waitress sa Dammam, Saudi Arabia.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang bangkay ng Pi­nay na di pa pinangalanan, ay natagpuang nakalutang sa isang septic tank sa compound kung saan siya naninirahan.

Nauna rito, nakatang­gap umano ng ulat ang Al-Niairiyah Police na isang Pinay na nagtatrabaho bilang waitress sa catering section ng isang local na pa­gamutan ang nawa­wala.

Isang police team na­man na kinabibilangan umano ng mga forensic experts ang nag-imbestiga sa kaso at nadis­ kubre ang krimen hanggang sa ma­tukoy ang suspek dito.

Inamin naman umano ng 32-anyos na Egyptian na hindi rin ibinunyag ang pangalan, ang krimen at sinabing sinakal niya ang Pinay bago niya itinapon sa septic tank ang bangkay nito.

Kinukumpirma na uma­no ng mga awtoridad ang paha­yag ng suspek at ina­alam ang motibo ng kri­men. (Mer Layson)

vuukle comment

AL-NIAIRIYAH POLICE

DAMMAM

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

INAMIN

ISANG

KINUKUMPIRMA

MER LAYSON

PINAY

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with