Doña Mary pumanaw na

Sumakabilang-buhay na kahapon ang butihing ina ni dating pangulong Joseph Estrada na si Doña Mary Ejercito sa edad na 103.

Nabatid na bandang 4:15 ng hapon kahapon ng tuluyang bumigay si Dona Mary sanhi umano ng cardio-pulmonary arrest.

Mahigit isang taon na umanong naka-respirator si Doña Mary mula ng maratay sa San Juan Me­dical Center noong Agosto 2007. Kumpleto ang pa­milya Ejercito sa ospital.

Huling naging kritikal ang lagay ni Doña Mary noong Dec. 12, 2008. Da­dalo sana noon sa anti-Chacha rally sa Makati si Erap pero hindi na tumuloy dahil sa biglang pagsama ng kondisyon ng ina.

Si Doña Mary ang iti­nu­­turing na pinakama­implu­wensiyang tao sa likod ni Erap. Noong nabu­buhay pa, ito ang nagsil­bing ga­bay sa buhay pulitika ng dating pangulo.

Si Erap umano ang pi­na­kamalapit at paboritong anak ni Doña Mary.

Nakatakdang iburol ang labi sa St. John the Baptist Parish sa Pinag­labanan Church sa San Juan.

Show comments