^

Bansa

'Tallest man' bumisita sa Pinas

-

Napanganga at na­mangha ang mga kawani ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ma­ging ang media nang maki­ta ang naitala at tinagu­riang ”Tallest Man in the World” nang dumating ito sa bansa kahapon.

Kinilala ang pinaka­ma­laking tao na si Ijaz Ahmed,26-anyos, may taas na 8 feet 4 inches at tubong Punjab, Pakistan. Siya ay tumitimbang ng 287 pounds at ang sukat ng sapatos ay umaabot sa 22 inches.

Ayon sa mga doktor ni Ahmed, patuloy pa ang pagtaas ng sinasabing pinakamalaking tao sa buong daigdig.

Ang mala-higanteng si Ahmed ay akay-akay ng dalawa nitong alalay na sina Mohammad Yaseen at Jamil Ahmed nang lu­mapag sa NAIA Terminal 1 sakay ng Thai Airways flight TG-621.

Kailangan pang ala­la­yan ng dalawang tao si Ahmed dahil hirap itong lumakad mag-isa sanhi sa pagkakabalda ng kan­yang kanang paa bunga ng vehicular accident ilang taon na ang nakal­i­lipas.

Ayon naman sa tuma­tayong promoter ni Ahmed na si Yaseen, layunin nang pagtungo ng “tallest man in the world” sa Pili­ pinas ay makalikom ng pondo sa pamamagitan ng fund raising upang pantustos sa kanyang kalagayan.

Sinabi ni Ahmed na siya lamang ang nata­tangi sa kanilang pamilya, ma­gulang at mga kapatid, na abnormal ang height dahil pawang normal ang laki ng kanyang pamilya.

Kahit abnormal ang taas at laki ni Ahmed, normal naman ang kanyang pag-iisip, pananaw at mit­hiin sa buhay.

Ilan sa mga pabo­rito nitong sports ay cricket at baseball. Hilig nito ang kumain ng Pakis­tani vegetables at Chinese foods. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AHMED

AYON

ELLEN FERNANDO

IJAZ AHMED

JAMIL AHMED

MOHAMMAD YASEEN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

TALLEST MAN

THAI AIRWAYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with