^

Panday Pira road binuksan na

() - December 25, 2008 - 12:00am

Pormal nang binuksan ang 3.8 kilometer Panday Pira road at Clark north interchange patungong Clark Tarlac Expressway.

Ayon kay Bases Conversion Development Authority ( BCDA) spokesperson retired Gen. Robert Gervacio, ang Panday Pira road ay magsisilbing main access patungong Clark para sa mga motoristang galing Tarlac at Mabalacat. Konektado din ang daang ito sa North Gate ng Clark Freeport Zone kung saan matatagpuan ang Expo Filipino.

Inaasahan naman na matatapos sa Pebrero ng susunod na taon ang Clark South Interchange.

Sa darating na HUnyo 2009, inaasahan namang matatapos ang dalawa pang interchanges sa mga bayan ng Porac at Floridablanca sa Pampanga at tinatayang makukumpleto sa Hunyo ng susunod na taon.

Ayon sa BCDA, ang mga bagong proyekto at inaasahang magpapaluwag sa daloy ng trapiko at magiibayo at magpapaunlad ng ekonomiya at turismo sa Gitnang Luzon. (Angie dela Cruz)

AYON BASES CONVERSION DEVELOPMENT AUTHORITY CLARK FREEPORT ZONE CLARK SOUTH INTERCHANGE CLARK TARLAC EXPRESSWAY EXPO FILIPINO GITNANG LUZON NORTH GATE PANDAY PIRA ROBERT GERVACIO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with