^

Bansa

Walang leak sa nursing exam

-

Siniguro sa publiko ng Board of Nursing (BON) na walang magaganap na leakage para sa darating Nursing Board Licensure exam.

Binigay ni BON Chairperson Carmencita Abaquin at miyembro nitong si Marco Sto.Tomas ang kasiguruhan matapos na kumalat sa text messages na mayroon umanong mga review center ang may hawak na leakage para sa November 29 at 30 Nursing Board exam.

Base sa kumalat na text, kabilang sa mga review center na mayroong leakage ang Baguio ,Cebu at Surigao at ang dating Professional Regulator Commission (PRC) member ang nagbigay ng kasiguruhan para sa leakage.

Sinabi naman ni Sto. Tomas na ginagawa na nila ang lahat upang masiguro na ligtas at may kredibilidad ang magaganap na licensure exam.

Aabot sa 88,750 ang nursing graduates na kukuha ng second licensure examination sa Nobyembre 29 at 30 kung saan ito ang pinakamaring examinees sa kasaysayan ng PRC. (Gemma Garcia)

vuukle comment

AABOT

BINIGAY

BOARD OF NURSING

CHAIRPERSON CARMENCITA ABAQUIN

GEMMA GARCIA

MARCO STO

NURSING BOARD

NURSING BOARD LICENSURE

PROFESSIONAL REGULATOR COMMISSION

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with