Purified water isisilbi sa mga resto, fast food sa Valenzuela

Batas na ang “Purified Drinking Water Ordinance” matapos itong lagdaan ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gat­chalian.

Ayon sa may akda na si Councilor Alvin Feli­ciano, sa pamamagitan nito ay hindi na manga­ngamba ang mga resi­dente na makainom ng maruming tubig sa mga kainan sa lungsod na pinanggagalingan ng mga sakit tulad ng diarrhea.

Nakasaad sa nasa­bing batas na kailangan purified water ang ibibi­gay sa mga kumakain sa mga food chain, restaurant at iba pang kainan sa lung­ sod.

Tanging ang Health Office ng lungsod ang mag­papatupad ng nasa­bing batas kung saan papa­tawan ng P1,000 sa unang paglabag, P2,500 sa ika­lawa at P3,500 sa ikatlo at pansaman­ talang suspen­siyon ng kanilang business permit sa loob ng 15 araw.

Sa ikaapat ay P5,000 ang multa at suspensiyon ng business permit ng 30 araw habang permanen­teng pagtanggal ng business permit sa pangli­mang pag­labag.

“Inaasahan natin ang pakikipagtulungan ng mga negosyante (may-ari ng fast food, restaurant at iba pang katulad nito) na sumunod sa pagpapa­tupad ng nasabing ordi­nansa para na rin masi­guro ang kalusugan ng kanilang mga paruk­yano,” pagtatapos ni Feliciano. (Lordeth Bonilla)

Show comments