^

Bansa

Vetsin nakamamatay - BFAD

-

Kinumpirma ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) na talagang nakakasama nga sa kalusugan ang vetsin kaya’t pinapayuhan ng ahensiya partikular ang mga ina ng tahanan na maghinay-hinay sa paggamit nito.

Ayon sa pahayag ng BFAD, kapag sobra ang vetsin o MSG intake ay nagdudulot ito ng masamang epekto sa kalusugan na posibleng mauwi sa pagkasawi kapag hindi nakayanan ng katawan.

Ayon sa BFAD, ang vetsin ay isang food additive o pampalasa sa pagkain at lubhang mas masama o “fatal” ang epekto nito sa kalusugan kapag kinain na hindi inihahalo sa anumang pagkain.

Sinabi pa ng BFAD na kinakailangang ilagay sa selya­ dong lalagyan, lagyan ng pangalang “vetsin” at ibukod ito sa asukal, iodized salt at iba pang may kahalintulad na kulay na mga pulbos para hindi mapagkamalan ito.

Ang vetsin kasi umano ay malimit na mapagkamalang asukal at naihahalo sa kape at minsan naman ay napagkakamalang itong iodized salt dahilan upang mapasobra ang paggamit nito. 

Ang babala ng BFAD ay nagbunsod sa pagkakalagay sa kritikal ng buhay ng isang 3-anyos na batang lalaki sa Sagay City, Negros Occidental ma­karaang mapagka­malang asin at gawing ulam ang vetsin. (Rose Tesoro)

AYON

KINUMPIRMA

NEGROS OCCIDENTAL

ROSE TESORO

SAGAY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with