^

Bansa

Pinoy todas sa mortar attack sa Iraq

-

Isang kusinerong Pilipino ang namatay habang dalawa nitong kasamahang babae ang nasugatan nang mabiktima sila ng mortar attack sa Baghdad, Iraq noong Biyernes.

Kinilala ang nasawi na si Jonasis Saguid, 32, ng Paco, Manila. Dalawang taon nang nagtatrabaho sa Groundworks Incorporated ang biktima.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Kuwait Ricardo Endaya na nalagutan ng hininga sa isang military hospital si Saguid dahil sa tinamong sugat na ikinapinsala ng atay nito.

“Tinamaan ang kanilang kitchen ng isang mortar round at ito ang kaniyang ikinasawi,” sabi ni Endaya.

Ayon kay Endaya, maaaring sinuway ni Saguid ang pagbabawal sa mga Pilipino na pumasok sa Iraq sa pamamagitan ng pagdaan sa Dubai sa United Arab Emirates. Nakilala lang sa mga pangalang Julie at Rose ang nasugatang mga Pilipina na nagtatrabaho bilang cleaner sa naturang kumpanya.

vuukle comment

ENDAYA

GROUNDWORKS INCORPORATED

JONASIS SAGUID

KUWAIT RICARDO ENDAYA

PHILIPPINE AMBASSADOR

PILIPINO

PLACE

SAGUID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with