^

Bansa

Arraignment ni Perez di natuloy

-

Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang arraignment sa kasong graft ni dating Justice Secretary Hernando Perez at tatlong iba pa na naisampa dito ng Ombudsman.

Sa halip na kahapon, tinakda ng antigraft court’s First Division sa Hulyo 18 ang pagbasa ng sakdal kay Perez, asawang si Rosario, brother-in-law na si Ramon Arceo at business associate na si Ernest Escaler sa ka­ song graft ng mga ito dahil nagsampa ng motion to quash ang mga akusado.

Naipagpaliban ang arraignment upang mabig­yang pagkakataon ang pa­nig ng prosekusyon na sa­gutin ang naturang mosyon na isinampa ng kampo ni Perez.

Binigyan ng Sandigan­ bayan ang panig ng prose­kusyon ng 15 araw para sa­gutin ang naturang mosyon.

Dumating naman kaha­pon sa graft court sina Pe­rez, Arceo at Escaler pero wala si Rosario Perez, asawa ni Nani dahil sa sakit nitong cancer.

Kaugnay nito, ang apat ay inanyayahan din na pumunta sa Sandi­ ganba­yan Second Division sa Mayo 23 para naman sa kanilang arraignment sa kasong robbery/extortion.

Ang kasong robbery/extortion ng mga akusado ay batay sa naisampang kaso sa Ombudsman ni dating Manila Congressman Mark Jimenez na si Perez at ang ibang akusado ay nangikil sa kanya ng $2 milyon nang tumanggi siyang mag-execute ng affidavits na may kinalaman sa plunder case ni dating Pangulong Joseph Estrada. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ERNEST ESCALER

FIRST DIVISION

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

MANILA CONGRESSMAN MARK JIMENEZ

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PEREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with