^

Bansa

Cayetano mananagot

-

Nagbabala kahapon ang isang Doctor of Laws na maaaring mademanda si Senate Blue Ribbon Committee chairman Alan Peter Cayetano oras na sampahan niya ng kaso si Pangulong Arroyo dahil sa ZTE deal sa kabila ng kan­yang pag-amin na walang ebidensiyang nag-uugnay sa Punong Ehekutibo sa naturang transaksiyon.

Inilarawan ni Dr. Arturo de Castro ang plano ni Ca­yetano bilang isang malis­yosong prosekusyon maka­kuha lamang ng publisidad.

Sinabi ni de Castro na kataka-taka kung bakit tila hindi alam ni Cayetano, na isa ring abugado, na ang malisyosong prose­kusyon ay sakop ng kri­meng “intriguing against honor,” na ipinagbabawal sa ilalim ng Civil Code.

Niliwanag ni de Castro na ang “intriguing against honor” ay hindi saklaw ng privileged communication kahit si Cayetano ay isang senador ng bansa. 

“Si Pangulong Arroyo mismo ang nagkansela sa ZTE deal. Hanggang nga­yon, walang maipakita kahit isang pirasong ebi­densiya ang mga uma­no’y testigo sa kontro­bersiya. Ang tangi nilang katibayan ay ang kanilang salita,” sabi ni de Castro.

Kapag itinuloy ni Ca­ye­tano o ng Senate Blue Ribbon committee ang pagha­habla sa Pangulo, sinabi ni de Castro na oras na para sa sam­bayanan na pag-aralang mabuti ang pag­hiling sa pagbuwag sa Senado.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

CAYETANO

CIVIL CODE

DOCTOR OF LAWS

DR. ARTURO

PANGULONG ARROYO

PUNONG EHEKUTIBO

SENATE BLUE RIBBON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with