Epileptic, dinedma ng mga konsehal
() - January 23, 2008 - 12:00am

Dedma lamang sa mga konsehal ng Manila City hall ang isang epileptic  habang ito ay inaatake ng kanyang sakit sa hallway ng session hall kaha­pon ng tanghali.

Tila walang nakita ang mga konsehal na sina Cristina Isip, Bonjay Isip-Garcia, Philip at Dennis Lacuna, Uno Lim, Letlet Zarcal nang dumaan sa tabi ni Marilyn Gutierrez, 32 na nangingisay at napapaligiran ng mara­ming tao.

Tanging ang mga taga-General Services Office na sina Rosario Ravelo at Corazon Sagun ang tumulong kay Gutier­rez habang hinihintay ang pagdating ng doktor na si Dr. Apollo Ventenilla.

Ayon kay Ravelo at Sagun, bandang 1:45 nang dumating sa city hall si Gutierrez at biglang natumba at nangisay. Tinulungan nila ito subalit   naging mabilis ang atake ng sakit nito hanggang sa humingi sila ng tulong sa  clinic habang pansaman­talang nilagyan ng kutsara ang bibig nito.

Tiyempong napadaan naman ang nabanggit na mga konsehal, subalit laking gulat ng mga tao sa pagbalewala ng mga ito sa biktima.

Anila, nagagawa la­mang lapitan ng mga konsehal ang mga taong tulad ni Gutierrez tuwing panahon ng eleksiyon.

Sinabi naman ni Ven­tenilla, aalamin muna nila ang sanhi ng pagiging epileptic nito. Aniya, posib­leng sa gutom o may sakit na noong bata pa lamang si Gutirrez na hindi na­gamot hanggang sa ma­kuha niya ito. (Doris Franche)

BONJAY ISIP-GARCIA CORAZON SAGUN CRISTINA ISIP DENNIS LACUNA DORIS FRANCHE SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with