^

Bansa

Kasalan ‘iboboykot’ ng 60 pari

- Eva Visperas -

May 60 pari  sa Linga­yen-Dagupan archdiocese sa Pangasinan ang unti-unting hihinto sa pagsa­ sagawa ng mga seremon­yas sa kasal sa lahat ng simbahan at kapilya.

Ito ang nabatid kay Archbishop Oscar Cruz na nagpalabas ng isang circular letter na binasa ng mga pari sa kanilang mga misa nitong Saba­do at Linggo.

Walang paring mag­ka­kasal sa sinumang gustong magpakasal dahil sa isang sirkular ng National Statistics Office na nag-aatas na, bago pahintulutan ang mga pari na magkasal, kaila­ngan muna nilang suma­ilalim sa  orientation seminar hinggil sa batas ng pag-aasawa at mag­ba­yad ng kinakaila­ngang P2,400 seminar fee.

Sinabi ni Cruz na lahat ng obispo sa Pilipinas ay nakatanggap ng naturang sirkular ng NSO na pet­sang  Nobyembre  6, 2007.

“Sa maniwala kayo o hindi, hindi papayagan ang mga pari na mag­daos ng sakramento ng kasal kung hindi sila dadalo sa seminar,” sabi ni Cruz sa sarili niyang sirkular.

Sinabi ni Cruz na hindi magiging bahagi ng pag­kakaperahang iskemang ito ang  archdiocese ng Lin­gayen-Dagupan na kanyang sinasaklawan.

Nakakadismaya at nakakahiya anya ang me­morandum ng NSO.

Nabatid kay Cruz na, bukod sa awtorisasyon mula sa kani-kanilang obispo, kailangan ding may awtorisasyon mula sa pamahalaan ang mga pari para magkasal.

Ano ngayon ang mang­­yayari sa mga gus­tong magpakasal sa sim­bahan?

Iminungkahi ni Cruz na maaaring magtungo sila sa civil court o sa mga hukom.

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

CRUZ

DAGUPAN

NATIONAL STATISTICS OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with