^

Bansa

141 Pinoy namatay sa Saudi

-

Umaabot sa 141 Pinoy na karamihan ay mga overseas workers ang namatay sa Saudi Arabia sa loob ng siyam ng buwan ng taong kasalukuyan.

Sa report ni Philippine Consul General Pendosina Lomondot, sa nasabing bilang ng mga nasawi, 82 ay sanhi ng cardiac arrest habang ang iba pa

ay sakit sa cardiovascular, 29 sa aksidente, 16 sa iba pang mga sakit habang 14 pa ang namatay sa sinapupunan ng kanilang mga ina.

Dahil dito, pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga manggagawang Pinoy sa Saudi Arabia na iwasan ang matatabang pagkain, mag-ehersisyo ng regular  at isagawa ang lifestyle na makabubuti sa kalusugan. 

Naitala naman mula sa Jeddah, Saudi Arabia, ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa nasabing bansa na ikalawa sa Riyadh ay nasa 86 ang namatay doon, pangalawa ang lalawigan ng Tabuk, 8 at ang Yanbu sa bilang na anim.

Inihayag ng opisyal na personal na tumutulong ang Embahada ng Pilipinas sa pagpapauwi sa mga labi ng may 80 namatay na Pinoy doon kung saan 44 sa mga ito ay inilibing sa Saudi Arabia habang 17 pa  ang nakatakda ring iuwi sa bansa.

Sa tala ang average ng naitatalang mga namamatay sa nasabing bansa ay nasa 15 Pinoy kada buwan.

Mula Enero hanggang Setyembre 30, 2007 ang mga nasawi sa iba’t-ibang lugar sa Saudi Arabia ay kinabibilangan ng 86 insidente sa Jeddah, Tabuk, 8; Yanbu, 6; Abha, 5; Makkah, 5; Al-Baha, 5; Khamis Mushayt, 5;Madinah, 4; Al- Darb, 3; Rabigh, 3; Gizan, 2; Al Lith, 2; Taif, 2; and, Najran, 2; Riyadh,1; Baljurashi,1 at Bisha,1 patay. (Joy Cantos)

AL LITH

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JEDDAH

JOY CANTOS

PINOY

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with