^

Bansa

Media at security aide ni Erap nagkainitan

-

Nagkainitan ang mga security aide ni dating Pangulong Joseph Estrada at mga miyembro ng media matapos na maging marahas ang mga una dahil sa ginawang pag­hihigpit sa pagbabantay ng mga ito sa dating lider kamakalawa ng gabi.

Nag-ugat ang kagulu­han dakong alas-7 ng gabi habang papalabas ng San Juan Medical Center ang dating pangulo matapos na bisitahin ang kanyang inang si Dona Mary.

Nagpuntahan ang mga taga-media na kinabibila­ngan ng mga foreign at local press photographers, broadsheet reporters at mga cameraman ng tele­bisyon upang makakuha ng larawan at mga footages at interview kay Erap.

Subalit laking gulat ng mga grupo ng media ng bigla na lang silang ipag­tabuyan ng mga security personnel ni Estrada at pinagbawalang makakuha man lang ng litrato o footages.

Dahil dito, umalma ang mediamen at nakipagtu­lakan na rin sa mga security ni Erap na humantong sa sigawan at murahan ng dalawang panig.

Natigil lang ang kagulu­han ng magsialisan ang security group sa ospital at iniwan ang mga galit na galit na mga mamama­hayag at press fotogs.

“ Grabe para naman kaming busabos kung ipagtulakan ng mga security personnel ni Erap, parang sasaktan namin ‘yung binabantayan nila kaya ganun na lang ang ginawa sa amin,” pahayag ng isang babaeng broadsheet reporter na isa sa mga nagtiyagang mag-antay sa labas ng bahay ng mga Estrada sa Polk st. sa Greenhills, San Juan mula pa tanghali upang maka­pag interview sa dating pangulo.

“Tanghali pa kami sa labas ng bahay ni Erap nag-aantay baka magpa-interview si Erap, yun pala ayaw na munang magbi­gay ng interview, sana sinabi nila ng maaga para hindi na kami umasa pa sa wala,”pahayag ng reporter.

Ayon naman kay Angel Gonong, isa sa mga media officers ni Estrada, ayaw umano ng dating pangulo na magpaistorbo ng buong weekend dahil inaasahan niyang magsisidatingan ang kanyang pamilya para bumisita.

Idinipensa pa ni Go­nong na pawang mga bago ang mga ito kaya ganoon na lang ang higpit sa ginawang seguridad para sa pangulo. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANGEL GONONG

DONA MARY

EDWIN BALASA

ERAP

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with