Partylist solons pinigil sa NAIA
Nanggagalaiti sa galit sina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Gabriela Rep. Liza Maza ng pigilan sila ng halos isang oras ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para makaalis ng bansa kaya muntik nang maiwanan ng eroplano na patungong
Sinabi ni Ocampo, hinarang sila sa Immigration dahil nasa talaan umano sila ng Hold Departure Order (HDO) ng Department of Justice (DOJ), pero ayon sa kanila walang kapangyarihan ang huli na pigilan sila dahil matagal nang naibasura ng korte ang kasong rebelyon na isinampa laban sa “Batasan 6” kung saan sila ay kabilang.
Sa huli ay pinayagan din silang makaalis matapos ma-clear ang kanilang mga pangalan sa HDO ng BI.
Patungong Geneva ang mga mambabatas matapos silang imbitahan ng Committee on Human Rights sa Interparliamentary Union mula Oktubre 6-9. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending