^

Bansa

Erap pinayagan na dalawin ang ina

-

Pinayagan ng Sandi­gan­bayan si dating Pangu­long Joseph Estrada na mabisita ang kaniyang ina na si Dona Mary sa paga­mutan sa San Juan.

Sampung oras ang ibi­nigay kay Estrada ng San­diganbayan o mula nga­yong alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon para makapiling ang kan­yang ina na nasa hindi magandang kalagayan sa San Juan Medical Center.

Sinabi ni Sandiganba­yan Sheriff Ed Urieta na sa ibinabang resolusyon ng Sandiganbayan Special Division, tanging sa na­banggit na pagamutan lamang kailangang mana­tili si Estrada.

Gayunpaman, nakasa­la­lay pa rin aniya sa magi­ging sitwasyon ni Dona Mary ngayong Sabado ang pahintulot ng Anti-Graft Court kung kailangang mag-extend si Estrada para makasama ang ina.

Sa panig ng dating Pangulo, nais umano sana nitong makarating sa natu­rang pagamutan sa pinaka-mabilis na paraan ng trans­portasyon upang hindi masayang ang mga oras na makapiling nito ang ina.

Katulad ng mga dating kondisyon ng korte, bawal ang media interviews kay Erap, bagaman sa mga na­kalipas na karanasan, na­ka­lulusot pa rin ang bagay na ito.

Tiniyak naman ng San­di­ganbayan sheriff’s office at ng PNP-Police Security Protection Office na mahigpit nilang baban­tayan si Estrada.

Una nang sinabi ni Urieta noong ibaba ng anti-graft court ang hatol na guilty kay Erap sa kaso nitong pandarambong na sakaling hilingin ni Estrada na makita ang may sakit na ina kahit pa convicted na ito at mas hinigpitan ang seguridad, hindi ipagkakait ng korte na makasama ni Erap ang ina nitong may sakit. (Butch Quejada/Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANTI-GRAFT COURT

BUTCH QUEJADA

DONA MARY

ERAP

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with