Mga talunan, mag-concede na kayo! — GO
Hinamon ni Genuine Opposition (GO) Spokesman Atty. Adel Tamano ang mga senatoriables na mabababa ang ranking o ang mga wala ng pag-asang makapasok pa sa Magic 12 na magsipag-concede na.
“Regardless of the political party, kahit na GO o TU bets, siguro kung talagang mababa sa ranking ay dapat lang na mag-concede na,” sabi ni Tamano.
Ginawa ni Tamano ang pahayag sa gitna na rin ng hayagang pag-amin ng pagkatalo ni Team Unity (TU) bet Michael “Tol “ Defensor na aniya’y dapat magsilbing halimbawa sa mga talunang kandidato.
“To diffuse the tension all candidates lower than Tol, not only losing GO but all those lower than him from TU must concede. They must do a gentleman’s meeting and admit their loss in the senatorial race,” dagdag ni Tamano.
Bagaman nasa ika–15 slot si Defensor at may pag-asa pang makahabol ay nag-concede ito kamakalawa.
Saludo ang GO sa pagkamaginoo ni Defensor sa ginawa nitong pagko-concede matapos na mabigong makapasok sa Magic 12.
Ayon kay Tamano, patunay lamang ito na may dakilang pagmamahal sa bansa si Tol.
“It’s a classic thing, Mike concedes, we salute him for love of our country to protect the electoral process,” ani Tamano.
Sa partido ng GO ay naunang nag-concede si Sonia Roco na umaming isa siyang talunan matapos na number 17 lamang ang makuhang slot sa Magic 12 habang si Tol ay pang-15 naman sa ranking.
Sinabi ni Tamano na kung may dapat na naunang mag-concede sa TU ay dapat na sina Prospero Pichay ito at iba pa dahilan milya-milya ang layo ng mga ito sa kanilang mga kalaban.
Sakali namang may TU bet na palaring makahabol sa Magic 12, sinabi ni Tamano na hangad niyang si Juan Miguel “Migz” Zubiri ang palarin.
Si Zubiri sa kasalukuyan ay nasa pang No. 13 at banta sa puwesto ni Aquilino “Koko “ Pimentel III na pang–12 ang slot.
Sinabi ni Tamano na kung tutuusin ay mas maraming mga kandidato ng TU na mas mababa pa ang ranking kay Tol ang dapat na mag-concede pero matigas pa rin ito at ang ginawa ni Defensor ay isang magandang halimbawa.
Bagaman hindi direktang tinukoy ni Tamano ang mga kandidato ng GO na mababa ang ranking ay malinaw naman sa tabulasyon ng Comelec na ang mga ito ay walang iba kundi sina Nikki Coseteng at John Osmeña.
Kaugnay nito, tiwala naman si Tamano na kung magpapatuloy ang pag-arangkada ng mga pambato ng GO ay malamang na maging
- Latest
- Trending


















