^

Bansa

Pulitikong anti-CARP, manahimik na lang!

-
Mas makabubuting manahimik na lamang ang mga pulitiko na hindi sang-ayon sa Comprehensive Land Reform Program ng gobyerno upang pangalagaan ang interes ng kanilang mga tagapagtaguyod sa hanay ng mga mayayamang haciendero.

Ito ang naging payo ng partylist na Alliance for Rural Concerns kasunod ng pahayag nina Senatorial candidate Joker Arroyo at Tessie Aquino Oreta ng Team Unity at John Osmeña ng Genuine Opposition na dapat umanong tigilan ang pag-iisyu ng pahayag na nagpapakita lamang ng kanilang kawalang pakialam sa kalagayan ng mga kawawang magsasaka sa bansa.

Sinabi ni ARC convenor Steve Quiambao na ang iresponsableng pahayag mula sa ilang pulitiko upang makakalap lamang ng tinatawag na "pogi points" sa kanilang kampanya ay hindi naaayon sa kanilang sinumpaang adhikain na papagyamanin ang kalagayan ng mga mahihirap sa bansa.(Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

COMPREHENSIVE LAND REFORM PROGRAM

GENUINE OPPOSITION

JOHN OSME

JOKER ARROYO

RURAL CONCERNS

STEVE QUIAMBAO

TEAM UNITY

TESSIE AQUINO ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with