^

Bansa

POSA jingle naman!

-
Matapos ang kontrobersyal na jingle na ASO (Angara, Sotto, Oreta) ay inihayag kahapon ni actor Rez Cortez na nakatakda na nilang isunod ang bagong jingle na POSA kung saan kasama ng babanatan dito si senatoriable Francis "Kiko’ Pangilinan.

Ayon kay Cortez, leader ng National Council of Concerned Volunteers (NCCV), wala ng puwedeng pumigil sa paglabas ng POSA (Pangilinan, Angara, Sotto, Oreta) jingle at handa siyang magpakulong kahit anong kaso ang isampa laban sa kanya.

"Nakahanda naman akong harapin kung anong charges nila dahil alam ko na wala akong nilalabag na batas at karapatan ko na ma-express ang aking paniniwala tungkol dito sa ASO at tungkol kay Mr. Noted," saad ni Cortez sa isang panayam.

Samantala hindi naman nagbigay ng kahit anong clue si Cortez kung ano ang mga bagong banat nito sa POSA jingle.

Para kina Edgardo Angara at Tito Sotto, libelous ang kanta at inihahanda na nila ang pagsasampa ng kaso sa Comelec. (Edwin Balasa)

ANGARA

EDGARDO ANGARA

EDWIN BALASA

MR. NOTED

NATIONAL COUNCIL OF CONCERNED VOLUNTEERS

ORETA

PANGILINAN

REZ CORTEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with