^

Bansa

ASO jingle, di iba-ban ng Comelec

-
Hanggang hindi umano naghahain ng pormal na reklamo ang "offended parties" ay hindi ipagbabawal ng Comelec ang kontrobersyal na "ASO" jingle.

Nilinaw kahapon ni Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. na walang nagrereklamo sa kanila kaya hindi kailangang i-ban ang naturang jingle. Kapag mayroon nang naghain ng formal complaint ay saka lamang umano nila ito aaksyunan at iimbestigahan.

Nakatakda namang magsampa ng pormal na reklamo sa Comelec sina Team Unity senatorial candidates Edgardo Angara at Tito Sotto dahil sa ipinalabas na "ASO" jingle ng kampo ni Rez Cortez na ibinase sa kantang "How Much is that Doggie in the Window."

Naniniwala sina Angara at Sotto na libelous ang naging banat sa kanila ni Cortez bagaman at hindi naman nabanggit ang kanilang mga pangalan sa naturang kanta.

Sina Angara-Sotto at Tessie Oreta ang pinatutungkulan umano ng ASO jingle na inamin ni Cortez na nagmula sa kanilang kampo.

Ang tatlo ay dating masugid na tagasuporta ng namayapang si Fernando Poe Jr. at nagkumbinsi dito na kumandidato sa nakaraang 2004 presidential elections.

Nilinaw ni Cortez na walang kinalaman sa campaign jingle si Estrada at tanging ang isang FPJ volunteer ang gumawa nito subalit tumanggi itong pangalanan. (Gemma Garcia/Malou Escudero)

vuukle comment

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

EDGARDO ANGARA

FERNANDO POE JR.

GEMMA GARCIA

HOW MUCH

MALOU ESCUDERO

NILINAW

REZ CORTEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with