Mag-amang Lapid kinasuhan
March 3, 2007 | 12:00am
Kinasuhan kahapon ng kasong graft and corruption ni Pampanga Vice Gov. Joseller "Yeng" Guiao sa tanggapan ng Office of the Ombudsman ang mag-amang Senador Lito Lapid, Gov. Mark Lapid at 22 iba pang empleyado ng nasabing lalawigan kaugnay ng umano’y maanomalyang proyekto.
Sa reklamo ng gobernador, nagsabwatan umano ang mag-amang Lapid at 22 iba pa na dayain ang pamahalaan ng kabuuang halagang P11,474,023 na kinabibilangan ng limang infrastructure projects sa limang barangay sa Pampanga.
Iginiit nito na ginamit umano ng mag-ama ang "double payment schemes" na binabayaran ng Pampanga provincial government gayundin ang Priority Development Assistance Funds (PDAF) o pork barrel ng senador.
Ang masakit pa umano sa nasabing proyekto ay hindi ito nagawa at naipatupad kaya maituturing na isang ‘ghost projects’. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest