^

Bansa

Hog raisers, gigil na sa hot meat smuggling

-
Kumpiyansa ang Hog Raisers Association of the Philippines na kasama si Customs Commissioner Napoleon "Boy" Morales sa mga mairerekomendang makasuhan sa nabunyag na pagkawala ng multi-milyong pisong container vans na naglalaman ng mga kontaminadong karne ng baboy.

Ngayong araw inaasahang ilalabas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang official report na magrerekomenda ng paghaharap ng kaso sa mga opisyal ng Customs at mga pribadong indibidwal na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagkawala ng tone-toneladang kontaminadong karne ng baboy.

Sa Dis. 6, 2006 report na inilabas ni NBI Regional Director Ruel Lasala, kinumpirma nito na malaki ang partisipasyon ng Customs insider sa pagkawala ng dalawang 40-footer container vans na naglalaman ng mga kontaminadong karne na ipinasok sa bansa.

Nasabat ng CIDG-Task Force on Anti-Smuggling ang apat na container vans na nakapangalan sa Asia Golden Pork Marketing.

Matapos ang pagkakumpiska, iniutos ni Morales ang pag-iimbak  ng kontrabando sa Sigma Seven Storage and Warehouse sa Manila Harbor Center.

Ayon sa NBI, ang Sigma Seven ay pasilidad na kinontrata ng Customs upang pag-imbakan ng mga nakukumpiskang kontrabando. Gayunman, nawala ang naturang mga "hot meat."

Tahasang sinabi ng hog raisers na walang dahilan para makalusot si Morales sa kontrobersiyal na issue na naging sanhi upang malagay sa peligro ang mga karne sa merkado nitong nakaraang Pasko. (Doris Franche)

vuukle comment

ASIA GOLDEN PORK MARKETING

CUSTOMS COMMISSIONER NAPOLEON

DORIS FRANCHE

HOG RAISERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

MANILA HARBOR CENTER

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REGIONAL DIRECTOR RUEL LASALA

SA DIS

SIGMA SEVEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with