Character change wag Chacha
December 17, 2006 | 12:00am
Pinayuhan kahapon ng mag-inang Estrada si Pangulong Arroyo at mga kaalyado nito na atupagin na lamang nila ang "Character Change" imbes na itulak pa ang Charter change sa susunod na taon.
"What Mrs. Arroyo, her minions in Malacanang and her allies in Congress need to do is to change their attitude and character towards governance if they are indeed sincere in their statements that they are no longer interested in changing the Constitution," ani Sen. Luisa "Loi" Ejercito Estrada.
Ayon sa senadora, hindi pa napapanahon na ipagbunyi ang pagkatalo ng administrasyon sa kanilang isinusulong na Chacha dahil baka buhayin pa ito ng Pangulo na kilala umanong pabagu-bago ng posisyon.
Sinabi ito ng senadora dahil ilang beses nang nagpapahayag ng posisyon si Mrs. Arroyo sa ilang isyu na bandang huli ay babawiin din nito.
Nanawagan naman si Sen. Jinggoy Estrada sa taong bayan na makilahok sa prayer rally ngayon sa Rizal Park upang maipakita sa administrasyon ang tunay nilang damdaman laban sa Chacha.
Kundi umano dahil sa pagtutol ng taong bayan, posibleng naisakatuparan na nila ang pagretoke sa Konstitusyon upang makalipat sa parliamentary system at makaiwas sa taunang impeachment si Pangulong Arroyo.
Nauna rito ay sinabi ni presidential chief of staff Mike Defensor na bubuhayin nila ang Chacha pagkatapos ng midterm election sa Mayo 2007. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest