^

Bansa

P30-M diamonds nasabat sa NAIA

-
Dalawang babaing pasahero mula sa Dubai ang pinigil kahapon ng mga kagawad at opisyal ng Bureau of Customs matapos mabisto sa kanilang mga bagahe ang iba’t ibang uri ng alahas na tadtad ng diamonds na nagkakahalaga ng P30 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa ng gabi.

Bagamat ilang beses tinangka ng mga pasaherong sina Ana Marissa Olalia Rosario at Sheryll Carpio Mesina na tumawag sa kanilang mga "maiimpluwensiyang kakilala," isinalang pa rin ng Customs sa 100 percent inspection ang kanilang mga bagahe.

Natuklasan sa mga bagahe ng dalawa ang assorted expensive pieces of jewelries gaya ng relong Cartier na punung-puno ng diamonds, mga singsing at hikaw, gayundin ang mga relong Frank Muller, Chipard, Princess cut diamond tennis necklace na ang bawat diamond ay sinasabing 2 carat diamond.

Sa ulat ni CIIS-ID-NAIA officer-in-charge Marissa Galang, 7:30 kamakalawa ng gabi, tinawagan siya ni BoC Deputy Commissioner Celso Templo, hepe ng Intelligence and Enforcement Group (IEG) para gumawa ng operational plan pagdating ng EK 334 flight mula sa Dubai, United Arab Emirates dakong 11:30 ng gabi.

Base sa intelligence report, isang Mary Jennifer Saberon at Susan Roman Constantino ang sakay ng nasabing flight dala ang P30 milyong halaga ng iba’t ibang alahas.

Ilang sandali pa, isang pasahero ang napansin ni Galang na tumugma sa description na inaabangan nila. Positibong natuklasan na sila nga ang nasabing mga pasahero.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng BoC ang mga suspek at takdang sampahan ng kaukulang kaso, habang inutos na ni Galang ang warrant and seizure detention order sa tangkang smugging ng nasabing mamahaling alahas. (Butch Quejada)

vuukle comment

ANA MARISSA OLALIA ROSARIO

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

DEPUTY COMMISSIONER CELSO TEMPLO

DUBAI

FRANK MULLER

GALANG

INTELLIGENCE AND ENFORCEMENT GROUP

MARISSA GALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with