^

Bansa

Muling pagdalaw ni Erap kay Doña Mary, ’di pinagbigyan

-
Dahil mas naging abala pa si dating Pangulong Joseph Estrada sa pakikipag-meeting sa mga incumbent at dating opisyal ng gobyerno kaysa alagaan ang may sakit na inang si Doña Mary, sinopla kahapon ng korte ang mosyon nito na muling makadalaw sa ina ngayong Sabado hanggang Linggo (Nov. 11-12).

Hindi pinagbigyan ng korte ang mosyon ni Estrada na makalabas siya ng dalawang araw upang muling nadalaw ang ina sa bahay nito sa Greenhills, San Juan.

Bagaman hindi tumututol ang prosekusyon sa pagdalaw ni Estrada sa kanyang ina, dapat umano itong limitahan sa isang araw lamang. Ikinatuwiran ng prosekusyon sa isinumiteng "comment" na masyadong magastos sa panig ng gobyerno kung dalawang araw na lalabas sa kanyang villa si Estrada.

Pinuna rin ng prosekusyon ang ginawang pakikipag-meeting ni Estrada sa mga incumbent at dating government officials kaya nahaluan ng "political color" ang pagdalaw nito sa ina.

Ayon pa sa mga mahistrado ng Special Division, kabibisita lamang ni Estrada kay Dona Mary at hindi umano ito kinakitaan ng "devotion" para sa ina dahil may mga iba pang aktibidad na ginawa. (Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

BAGAMAN

DAHIL

DONA MARY

ESTRADA

GREENHILLS

MALOU ESCUDERO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN JUAN

SPECIAL DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with