^

Bansa

‘Forgery team’ vs Chacha umiikot

-
Kumakalat umano ang mga pekeng affidavits of retraction sa People’s Initiative sa Makati City para diskarilin ang signature campaign sa pagproseso sa pag-aamyenda ng Konstitusyon sa lungsod na ito na may dalawang distrito.

Ito ang ibinulgar kahapon ni dating Makati Vice Mayor Bobby Brillantes na nagsabing ang mga miyembro ng "forgery team" ay umiikot sa mga bara-barangay sa Makati para himukin at bayaran ang mga residente na pumirma sa affidavits of retraction sa People’s Initiative.

Sinabi ni Brillantes, convenor ng People’s Advocate for Charter Change, na ilang concerned citizen ang nagsabi sa kanya na may mga tao umano si Mayor Jejomar Binay na nag-alok sa kanila ng P150 hanggang P250 para pumirma sa affidavits na binabawi nila ang kanilang mga lagda na sumusuporta sa PI.

Ang isa pa umanong ginagawa ng "forgery team" ay ang gumawa ng affidavits of retraction na naglalaman ng mga pekeng pangalan, mga patay at di mga rehistradong botante ng Makati.

Ayon pa kay Brillantes, base sa mga pirmang nakalap ng Charter Change volunteers sa lungsod, ang PI ay nakatanggap ng suporta na 14% ng kabuuang bilang ng rehistradong botante sa unang distrito ng Makati at halos 10% naman sa ikalawang distrito.

Una rito ay ibinunyag ni Brillantes ang pagbuo ni Binay ng "private army" mula sa mga piling tauhan ng Makati Public Safety (MAPSA) para takutin umano ang mga residenteng sumusuporta sa Chacha.

vuukle comment

AYON

BINAY

BRILLANTES

CHARTER CHANGE

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI PUBLIC SAFETY

MAKATI VICE MAYOR BOBBY BRILLANTES

MAYOR JEJOMAR BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with