^

Bansa

RP boxer dedo sa Iraq!

-
Inambus at napatay ng mga bandidong Iraqi ang isang dating boksingero ng RP team na naging miyembro ng elite group ng US Army bunsod na rin ng patuloy pang nagaganap na kaguluhan sa bansang Iraq.

Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo, kinilala ang biktima na si Staff Sgt. Emmanuel "Manny" Legaspi, may asawa, 38.

Sa naantalang report, si Legaspi ay pinagbabaril ng mga bandido habang nagpapatrulya kasama ng iba pang US Army sa Tal-Afhar nitong nakalipas na Mayo 7.

Bagamat sugatan na ay sinasabing nagawa pang makaganti ng putok ni Legaspi ngunit hindi na rin ito nakaligtas sa kamatayan dahil sa dami ng tama ng bala na tinamo.

Si Legaspi ang naging pambato ng RP team sa boksing noong 1988 Olympics sa South Korea.

Napasok ito bilang miyembro ng US Army taong 2000 at na-assign sa Iraq noong Enero 2006. Bago ang kanyang kritikal na assignment sa Iraq ay natalaga si Legaspi sa 1st Batallion, 36th Infantry Regiment, First Brigade Combat team at First Armored Division ng US Army.

Inaayos na ng DFA at US Army ang mga papeles at iba pang dokmento ng nasawing Pinoy para sa repatriation ng bangkay nito sa Pilipinas.

Nakatakda rin itong bigyan ng medal of valor at iba pang parangal dahil sa naging tapang nito at nai-ambag sa serbisyo sa US Army.

Inulila ni Legaspi ang kanyang misis na si Shiona at anim na buwang-gulang na sanggol. (Mer Layson)

vuukle comment

ALBERTO ROMULO

FIRST ARMORED DIVISION

FIRST BRIGADE COMBAT

FOREIGN AFFAIRS SEC

INFANTRY REGIMENT

LEGASPI

MER LAYSON

SI LEGASPI

SOUTH KOREA

STAFF SGT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with