^

Bansa

Magdalo nagbanta vs Arroyo government

-
Handa ang mga sundalo at pulis sa banta ng mga puganteng Magdalo na maglulunsad muli ng mga pagkilos laban sa Arroyo administration.

Ito ay kasunod ng matapang na pahayag kamakalawa sa TV ni 1st Lt. Sonny Sarmiento na sa mga susunod na araw ay ipapaalam nila sa taumbayan na buhay pa ang kanilang ipinaglalaban.

Ayon kay AFP spokesman Major Gen. Jose Angel Honrado, nag-iingay lamang ang grupo ni Sarmiento subalit wala ang mga itong kapabilidad para pabagsakin ang gobyerno.

Nagbanta pa si Sarmiento na sa loob ng 1,000 araw ay babaguhin ng MKP ang liderato sa gobyerno maging ang mga sangay ng pamahalaan. "We have a time frame. In the first 1,000 days, we will overhaul all branches of government to give way to a new order which will be for the people," ayon pa kay Sarmiento.

Base sa nakalap na dokumento, isasagawa ang mga pagkilos sa Mayo 1. (Lilia Tolentino/Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

HANDA

JOSE ANGEL HONRADO

JOY CANTOS

LILIA TOLENTINO

MAJOR GEN

SARMIENTO

SONNY SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with