^

Bansa

CBCP pumalag kay Bishop Tobias

-
Iginiit kahapon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi nila "boses" ang ginawang paghingi ng paumanhin ni Bishop Antonio Tobias kay dating pangulong Joseph Estrada.

Ayon kay CBCP president at Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo, hindi opisyal na posisyon ng Simbahang Katoliko ang pagso-sorry ni Tobias kay Estrada kaugnay sa naging partisipasyon ng Simbahan sa pagpapatalsik kay Estrada sa kanyang puwesto noong Edsa 2.

Nilinaw ni Lagdameo na personal na opinyon lamang ni Tobias ang naging pahayag nito at hindi nangangahulugan na pahayag ng CBCP dahil wala naman silang ipinalabas na statement na nanghihingi ng kapatawaran sa dating lider.

Si Tobias ay isa sa miyembro ng Simbahang Katoliko na hayagang tumutuligsa sa pamamalakad ng gobyernong Arroyo sa pamamagitan ng pagdalo sa iba’t ibang pagtitipon ng mga militanteng grupo at ibang organisasyon na laban sa pamahalaan.

Ayon naman kay Davao del Sur Rep. Douglas Cagas, dapat humingi ng paumanhin si Tobias sa CBCP at sa buong kaparian dahil sa pagkaladkad nito sa Simbahan at CBCP sa walang pahintulot na paghingi ng dispensa kay Estrada.

Sa kabila aniya na mayroong demokrasya sa CBCP kung saan maaaring magsalita o magpahayag ng opinyon ang sinumang miyembro nito, wala umanong karapatan o awtoridad si Tobias na magsalita para sa isang organisasyon lalung-lalo na para sa buong Simbahan.

Wala aniyang dapat ipaghingi ng tawad ang Simbahang Katoliko dahil pinakinggan lamang nito ang boses ng mamamayan na naging daan para sa pagkakatalsik ni Erap sa Malacañang. (Gemma Garcia/Malou Escudero)

AYON

BISHOP ANTONIO TOBIAS

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DOUGLAS CAGAS

GEMMA GARCIA

ILOILO ARCHBISHOP ANGEL LAGDAMEO

JOSEPH ESTRADA

SIMBAHAN

SIMBAHANG KATOLIKO

TOBIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with