^

Bansa

Loterya kada 15 minuto

-
Nangangamba si Cibac partylist Rep. Joel Villanueva sa posibilidad na maraming kabataan ang lalong maaadik sa sugal sa sandaling simulan ang operasyon ng on-line Keno lottery ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong 2006 na isasagawa sa mga malls, restaurant, bars at iba pang kahalintulad na lugar kada 15 minuto.

Taliwas sa lotto na ibinabase ang premyo sa sales ng ticket o taya, sa on-line Keno lottery, P10 milyon ang pinakamataas na papremyo kada laro o maximum na P1M sa bawat winner. Kung mahigit sa 10 ang mananalo, ang P10M ay paghahati-hatian ng mga ito.

Nauna rito, isang resolusyon ang inihain nina Villanueva at Malabon-Navotas Rep. Federico Sandoval kung saan pinaiimbestigahan nila sa Kongreso ang diumano’y iregularidad sa pagbibigay ng PCSO ng kontrata ng Keno project sa Total Gambling Technologies (TGTI) dahil hindi umano ito dumaan sa bidding.

Naniniwala ang dalawang solon na wala sa charter ng PCSO ang on-line Keno lottery na kada 15 minuto isasagawa mula tanghali hanggang alas-12 ng gabi.

Hinihintay na lamang ng PCSO ang desisyon ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) hinggil sa legalidad ng kontrata na pinasok ng PCSO sa TGTI bago simulan ang operasyon.

Idinagdag naman ni Villanueva na nagbibigay ng maling senyales sa mga kabataan ang iba’t ibang uri ng sugal sa bansa dahil iniaasa na lamang ng mga ito ang kanilang buhay sa suwerte.

Bumabagsak din aniya ang moral ng mga mamamayan dahil sa sugal na kinahihiligan ng maraming Pinoy. (Malou Rongalerios)

vuukle comment

BUMABAGSAK

CIBAC

FEDERICO SANDOVAL

JOEL VILLANUEVA

MALABON-NAVOTAS REP

MALOU RONGALERIOS

OFFICE OF THE GOVERNMENT CORPORATE COUNSEL

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

TOTAL GAMBLING TECHNOLOGIES

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with